Whenever I see girls and boys selling lanterns on the streets, I remember the Child in the manger as He sleeps. Wherever there are people, giving gifts, exchanging cards, I believe that Christmas is truly in their hearts...Kapag naririnig ko ang pamaskong awit na ito, maraming alaala mula sa mga Paskong nagdaan sa aking buhay ang nananariwa sa aking isipan. Totoo na maraming awit na pamasko at maraming bagay ang makapagpapaalaala sa atin sa Pasko gaya ng makukulay na parol, mga kumukuti-kutitap na ilaw ng christmas tree at ng mapanghalinang sipol at amoy ng nilulutong puto-bumbong. Pero ang awit na ito ni Jose Mari Chan tungkol sa mga bata ang naghahatid sa akin sa mga alaala ng isang Paskong hindi mabubura sa aking isipan at kikipkipin sa aking puso hanggang sa kabilang-buhay. Ito ang Pasko ng aking kabataan, ang panahon ng paglalaro at laruan, ng sigla at kapilyuhan. Ito ang panahon ng kamusmusan, ng kalinisan ng pag-iisip at ng tunay at walang dungis na pagmamahal.
Sa Los Baños, Laguna kami nakatira noon. Nasa grade 3 ako at nasa grade 1 naman ang kapatid kong bunsong si Baby. Titser ng Home Economics si Mommy sa Los Baños School Of Fisheries na nasa baryo Mayondon. Nasa itaas ng isang luntian, mahangin at maaliwalas na burol ang aming bahay, tumatanaw sa malawak na kagandahan at karangyaan ng mabughaw na Laguna de Bay.
Tradisyon na ng pamilya ang magdiwang ng noche buena tuwing Pasko. Gumigising talaga kaming lahat pagsapit ng alas-dose ng gabi upang pagsaluhan ang napakasarap na pagkaing inihanda ni Mommy. Tsampyon talaga siyang magluto, titser yata ng Home economics at cooking pa ang kanyang linya. Dalawang magkasabay na okasyon ang ipinagdiriwang namin sa salu-salong iyon---ang pagsilang ni Hesus at ang bertdey ni Baby.
Ay naku, talaga namang kahit mumukat-mukat at mamuta-muta pa kami ay masisigla kaming nagsalu-salo nang noche buenang iyon. Gaya ng dati, nawala agad ang aking antok dahil sa mapanggising na amoy at lasa ng pagkaing nakaparada sa mesa---ispagheting napapalamutian ng maraming meatballs, chicken macaroni salad na namumutiktik sa mga himaymay ng manok, orange chiffon cake na nangingintab sa makapal na butter icing, hamon na pinaniningning ng honey syrup, fruit salad na nakukulayan ng ubas, pinya at mansanas, cheese sandwich na pinamumula ng pimiento at umuusok na tsokolateng maraming-maraming Milo. Haaay, tsalap-tsalap talaga.
Pagkakain, buong pananabik naming limang magkakapatid na tinungo ang christmas tree upang kunin at buksan ang regalo ni Mommy para sa bawat isa sa amin kaya naiwan na naman siya sa kusina para maghimpil at maghugas ng aming mga kinainan. Matagal din naming inasam-asam na mabuksan ang mga regalong iyon na araw-araw naming hinihimas-himas, kinakalug-kalog, pinagtitimbang-tmbang at hinuhulaan kung ano ang laman.
Habang nagpapakaligaya kami sa natanggap naming regalo, nagrereklamo naman si Mommy sa kusina---"Sus, talaga kayong mga bata kayo, matapos kayong mapalamon e lalayasan na lamang ninyo ako. Ni Hindi man lamang ninyo ako matulungang maghimpil ng kinainan, ako pa ang paghuhugasin ninyo ng mga pinggan, huhummm...Ay naku, wala na palang tubig na panghugas! Mamayang umaga na lang ako mag-iigib sa poso. Mamaya na lang ang mga pinggang iyan."
"Kawawa naman si Mommy," bulong kokay Baby matapos marinig ang daing ni Mommy.
"Tinulungan mo sana, ikaw ang pinakamalakas lumamon d'yan e," sumbat sa akin ni Baby.
"Ikaw nga d'yan ang dapat tumulong e, mis maganda na naman 'yang regalo mo kesa amin."
"Dumali na naman po si inggitero. Hoy, mis mahal yata ako ni Mommy! Tsaka, bertdey ko yata ngayon...Pero kawawa talaga si Mommy."
"Regaluhan kaya natin," mungkahi ko.
"E, ano namang ireregalo natin," tanong ni Baby.
"E, di ano...e di...LI-PIS-TIK! Tama, ibili natin si Mommy ng pinakamapulang lipistik, 'yung kasimpula ng atswete."
"E mi pera ba naman tayong pambili?"
"Wala nga. Sinungkit ko nang lahat ang pera ko sa alkansya. Naibili ko na ng mga paputok para sa bagong taon. E ikaw, mi pera?
"Hindi naman ako nag-aalkansya e."
"E anong ireregalo natin...?"
Sandali kaming nag-isip.
"A tama, ganto na lang," bulong ko kay Baby, "mam'ya, gumising tayo nang maaga. Unahan nating gumising si Mommy. Tapos, umigib tayo ng tubig, tapos, tayo ang maghugas ng mga pinggan. Paggising ni Mommy, wala na siyang huhugasan. 'Yun na lang ang regalo natin."
"E, 'yako nga, baka pagalitan tayo ni Mommy pag nag-igib tayo," pag-aalala ni Baby.
"Tanga! Ba't pagagalitan e tutulong nga tayo?"
"Tanga ka rin! E hindi ko kayang mag-igib e. Tsaka hindi ko pa abot ang lababo."
"E mis tanga ka pala e. E di tutulungan kita tsaka magtuntungan ka."
"E ikaw naman, tanga na gago pa! Patay tayo ke Mommy pag nadulas tayo sa pag-iigib. At tsaka kung mabasag ang mga plato, o papaano?"
"Ako'ng bahala."
"Hum, wala akong tiwala sa 'yo."
"Hindi mo lang mahal si Mommy...Sige, kung ayaw mo e di ako na lang."
"Mahal ko si Mommy!"
"E ba't ayaw mo?"
"Sige na nga, sali na 'ko."
"E di pumayag din ang bungal," panunukso ko pa.
"E ikaw, usngal," ganting tukso ni Baby.
"Komang ka naman."
"Baboy ka naman. Masiba."
"Si Tsi-tsay ka naman, bungal. Tsi-tsay bungal, tsi-tsay bungal..."
"Mommy, si Baldo nga po!"
"Baldomero, ano na namang ginagawa mo sa kapatid mo, ha?" pasigaw na tanong ni Mommy.
"Nanunukso na naman po, hindi naman s'ya inaano," sumbong ni baby.
"Sasapukin kita, ikaw nga d'yan e," ganting sumbong ko.
"Gusto na naman ninyong mapalo, ha?!" banta ni Mommy.
Tumahimik na kami.
"Basta mim'ya ha," paalala ko kay Baby.
"Hum, basta baboy ka," sagot ni bungi.
Wala pang gripo sa loob ng aming bahay kaya iniigib pa mula sa poso sa ibaba ng burol ang ginagamit naming tubig. Wala naman ang katulong naming mauutusan ni Mommy dahil umuwi sa kanila para magbakasyon. May inuupahan kaming agwador pero tanghali pa ang dating niya. Kami namang magkakapatid, lalo na si Baby, ay hindi pinag-iigib ni Mommy dahil mga bata pa raw kami at masyadong mataas ang hagdan mula poso hanggang bahay kaya delikado. Pero sa umagang iyon, mag-aakyat kami ni Baby ng dalawang timbang tubig.
Hindi na ako nakatulog nang bumalik ako sa paghiga. Pabiling-biling ako sa kama na parang daing na ipiniprito. Eksayted talaga ako sa pagdating ng umaga. Iniimadyin ko ang gagawin namin ni Baby at ang magiging reaksyon ni Mommy. Kaya nang napansin kong maliwanag na, agad kong tinungo ang kusina para kumuha ng dalawang timba. Ang balak ko'y gisingin si Baby pagdaan ko sa kwarto nila ni Mommy bago kami tuluyang bumaba. Pagdating ko sa kusina, naroon na pala si Baby at bitbit na ni gaga ang dalawang timba.

Nagtulungan kami ni Baby sa pagbomba sa poso. Ang hawakan ng posong ito ay isang mahabang kahoy na dos por kwatro ang sukat kaya napakabigat para sa amin. Napakaganit na nito kaya halos maglambitin kami ni Baby sa pagbomba. At kahit sadyang napakalamig nang madaling-araw na iyon, mas malakas pa yata ang tulo ng pawis ko kaysa sa tubig na lumalabas sa poso.
Nang napuno na namin ang dalawang timba, sinimulan na namin ang pagpanhik at kasabay nito, nagsimula na rin ang "kalbaryo sa araw na Pasko." Bitbit ng kaliwa kong kamay ang isang timba at tulong naman kami ni Baby sa pagbitbit sa mas malaking timba. Tangan ito ng kanan kong kamay at ng kaliwa at kanang kamay ni Baby.
Liligwak-ligwak ang tubig sa dalawang timba nang iniaakyat na namin ang mga ito. Marami nang tubig ang natapon nang nasa kalagitnaan na kami ng hagdan. Basa na rin ang aking short pants pati ang bestida ni Baby. Pagkapahinga nang sandali, muli kaming hahakbang paakyat. Pagkahakbang ng isang pitak, hihinto kami. Pagkahakbang uli ng isa, hinto uli. Pakiramdam ko'y mahuhugot sa aking balikat ang dalawa kong kamay at parang lalabas sa aking puwit ang lahat ng kinain ko sa noche buena. At sa tingin ko, halos bumaon na sa labi ni Baby ang bungi-bungi niyang mga ngipin dahil sa mariing pagkagat niya rito. Tumuwid na rin yata ang kanyang kanang kamay na komang pero hindi pa rin bumibitaw sa tatangnan ng timba ang dalawang kamay ng bungal.
Nang nasa loob na kami ng bahay, lumigwak na naman ang tubig sa timbang bitbit ng aking kaliwa. Tumapon ito sa sahig at nang natapakan ko ito, nadulas ako at biglang tumimbuwang! Bumuhos sa sahig ang lahat ng tubig sa timbang bitbit ng aking kaliwang kamay. Lumangoy ako sa isang timbang tubig na iyon. Basang-basa ang aking damit pati ang aking singit. Basa rin ang damit ni Baby. Basa na rin ang kanyang mukha. Napaiyak na kasi siya...hindi dahil sa awa sa akin kundi dahil sa katatawa. Naibaba na niya sa sahig ang isa pang timbang pinagtulungan naming bitbitin. Kalahati na lamang ang natirang tubig dito.
Nagmamadaling pumasok sa eksena si Mommy kasunod sina Ate Beth, Kuya Sonny at Ate Ineng. Akala ko'y nagising sila sa malakas na katatawa ni Baby. "Anong malakas na kalabog 'yon, anong malakas na kalabog 'yon?!" nanginginig na hiyaw-tanong ni Mommy.
Hindi siya nasagot ni Baby dahil alumpihit pa rin sa katatawa ang bruha na hilam na hilam na sa luha. At sa kalagayan kong iyon ay kailangan ko pa bang sumagot? Ipinaliwanag namin ang buong pangyayari nang nahimasmasan na ang lahat. Aba'y kami pa ang pinagalitan ni Mommy pagkatapos ng aming kuwento! Sermon niya, "Kayo talagang mga bata kayo, mga atrabido't atrabida. Kung nadulas kayo sa pag-akyat e dalawa pa kayong ipaoospital e Paskung-pasko. At ikaw naman magaling na lalaki, kung napasama ang bagsak mo e baka putok 'yang matigas mong bungo! Masyado ka kasing pasimuno kahit kelan. Huhummm, puro trabaho ang ibinibigay ninyo sa akin. Kailan pa kaya ninyo ako pagiginhawahin?"
Hay, Diyos ko, ang mga ina nga naman...Pero ibang pagalit iyon, napuna ko, kahit ang marami sa mga salita niya ay madalas ko nang narinig sa kanya. Sa pagkakataong iyon, malumanay ang kanyang boses, garalgal at hindi "high blood" ang pagsasalita niya, mamasa-masa ang kanyang mga mata at tila may ngiting nagnanais kumawala sa kanyang mukha. Napakabanayad din ng haplos niya ng tuwalya sa katawan ko habang siya ay "nagsesermon."
Nasisiguro kong naggalit-galitan lamang noon si Mommy. Pero kahit hindi niya sinabi, nasisiguro kong siya ang pinakamaligayang Mommy sa buong mundo nang umagang iyon, hindi dahil sa kalahating timbang tubig na natira sa timbang pinagtulungan naming bitbitin ni Baby, at lalong hindi dahil sa katawa-katawa naming pagmamagaling na nauwi sa kahiya-hiya kong pagbagsak. Napakasaya noon ni Mommy dahil mahal namin siya.
Sinabi ni Hesus na "kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." Totoo. At lalong magiging maligaya at makabuluhan ang ating Pasko kung tataglayin natin ang sigla, kalinisan at kababaang-loob ng isang bata...tulad namin noon...noong panahong iyon kung kailan ang kalahating timbang tubig ay maaaring mangahulugan ng dalisay, taimtim at nag-uumapaw na pagmamahal.
Let's sing Merry Christmas and a Happy Holiday. This season may we never forget the love we have for Jesus. Let Him be the one to guide us as another New Year starts. And may the spirit of Christmas be always in our hearts...