Sunday, April 20, 2008

KAPAYAPAAN NOONG WALA PANG KAUNLARAN


Si Inay ay nasa bahay pag-uwi natin galing sa iskwelahan. Walang mga bakod at gate ang magkakapitbahay at kung mayroon man ay gumamela lamang.

Singkwenta lang ang baon---beintesingko sa umaga, beintesingko sa hapon. Mayroong free ang mga patpat ng ice drop, buko man o munggo. Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay maestra at maestro. Hindi binibili ang tubig, pwedeng makiinom sa hindi mo kakilala. Malaking bagay na ang pumunta sa ilog o kaya sa tumana para magpiknik. Grabe na ang kaso kapag napatawag sa principal’s office.

Simple lang ang pangarap---makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak. Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala, wala naman kasing lock ang mga jeep na Willy’s noon. Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili---traktrakan na gawa sa lata ng sardinas na Rose Bowl ang katawan at Darigold na maliit ang mga gulong; iskeyting o iskuter na bearing na maingay ang mga gulong at de-singkong palo para sa preno; patining na pinitpit na lata lang na may butas sa gitna para suotan ng sinulid, pwede pang makipaglaguta; sumpak, pilatok, boka-boka, borador at iba pa. Hindi nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata kasi laro nga iyon. Maraming usong laro at maraming kasali---lastik, gagamba, turumpo, tatsing ng lata o tumbang preso, moro-moro o sikyo, patintero o tubiganan, luksong-baka, luksong-tinik, luksong-lubid at marami pang ibang luksuhan at takbuhan! Ang pera-perahan namin ay kaha ng Philip Morris, Marlboro at Champion, at kahon-kahon iyon! May dagta ng langka ang dulo ng tingting na hawak mo para makahuli ng tutubi o kuliglig, nandadakma ka ng palakang tetot peroingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo. Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas pero suot pa rin. Nanlilimahid na ang pundiyo ng karsonsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Pero ngayon, sa gitna ng modernong pamumuhay at sa lahat ng pagsulong sa teknolohiya, hindi ba minsan nangarap ka na rin...mas masaya noong araw...sana pwedeng maibalik.

May takot tayo ngayon sa buhay. Kasi naman, maraming napapatay at nakikidnap, maraming adik at masasamang-loob, may bombahan, at may banta pa ng terorismo. Noon, takot lang tayo sa ating mga magulang at kina Lolo at Lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kaya ayaw nila tayong mapahamak o mapariwara, na una silang nasasaktan kapag pinapalo sila.

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...bago magkaroon ng computer, internet at cellphone...noong hindi pa uso ang gameboy at counterstrike. Tayo noon...doon! Tinutukoy ko ang harang-taga at taguan kapag maliwanag ang buwan; ang pagtatakip mo ng mga mata pero nakasilip sa pagitan ng iyong mga daliri kapag nanonood ka ng nakakatakot sa “Mga Aninong Gumagala.” Unahan tayong sumagot sa multiplication table na kabisado natin kasi wala pang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno...pagkabit ng kulambo, lundagan na sa kama...pagtikwas o pagtitimba sa poso, pingga ang pang-igib ng lalaki at may dikin naman ang ulo ng babae, inaasbaran pa ng mga suberbiyo. Nginig na tayo kapag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Naisako ka na rin ba? O kaya, naglagay ka ba ng karton sa puwet (o kuyukot, hehehe) para hindi masakit ang palo ng tsinelas o sinturon? Magkano kupit mo nang inutusan kang bumili ng suka, paminta at toyo sa kanto? Namili ka ba ng bato sa bigas, nagtinda-tindahanan na puro dahon naman, nagbahay-bahayan na puro kahon naman, at naglako ka rin ba ng pandesal, masapan, bitso at ice candy noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga...pagtawa hanggang sumakit ang tiyan, hahahahahahaha! Meron ka bang himbabaw, kulitis o pongapong? O kaya, ng lukaok, susuwi o espada? “Susmaryosep” ang nadidinig mo kapag nagpapaligo ng bata, “Estigo Santo” naman kapag nagmamano. Masarap mapagod sa kalalaro, di ba? Pero nakakatakot ang sipay, kapre, berdugo...lalo na ang pamalo. Tuwang-tuwa naman kami kapag tinalo ang tinali ni Itay kasi may tinola! “Yung “crush” mo sa iskul, tanda mo pa ba? At kapag reses na, tanda mo pa ang pinamili mo sa garapon ng tinapay? Tinapay-alembong, taeng-kabayo, pinagong, pandekoko at biskotso? Pwede ring ang sukli ay kending Nougat, Caramel o Vicks na meron pang libreng singsing. Kung gusto mo naman, pakumbo, bukayo, tira-tira, kariba o inuyat. Sa kusina, Purico ang mantika at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa kahihihip kasi mahirap magfparikit ng apoy. Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sawsawan; ang palutong kapag isinawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-isang isubo ang daliri kapag puno na ng kanin; ang halo-halo na namumutiktik sa sahog.

Sakang ang lakad mo at nakasaya kasi bagong tuli, ha-ha-ha-ha! O kaya naman, naghahanak ka ng chalk kasi tinagusan ang iyong palda sa iskwela, kakahiya, di ba? Labaha ang gamit sa gupit na white-side-wall o ang lipstik mo ay pulang papel de hapon. Naglululon ka ng banig pagkagising, matigas na amirol ang mga punda at kumot, madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng uhog. May programa sa iskul kapag Lunes, may rasyon namang nutriban at gatas kapag Miyerkules at may pakiling ka namang dala kapag Biyernes kasi mag-iis-is ka ng desk. Di ba masaya, naaalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panhong iyon...masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang inaalala ang mga iyon.

Noon, ang mga desisyon ay ginagawa sa awit, “Sino ba sa dalawang ito...ito ba o ito?” Eh kapag ayaw ng resulta, “Pen pen de sarapen de kutsilyo de almasen. Haw haw de karabaw batuten...” Ang presidente ng klase ang pinakamagaling, hindi ang pinakamayaman o pinakasikat. Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kakaunti. Nauubos ang oras natin sa kwentuhan, may oras tayo para sa isa’t isa. Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka, kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka nang taya sa holen. Iyong mga nakatatandang kapatid ang pinakaayaw natin pero sila ang tinatawag natin kapag napapatrobol tayo. Hindi natutulog si Inay, nagbabantay kapag may trangkaso tayo, lagi pang merong Skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.

Kung naaalala mo nang may ngiti sa labi ang mga ito,,,nabubuhay ka na sa KAPAYAPAAN! Pustahan tayo, nakangiti ka pa rin. Kung naka-relate ka naman sa halos lahat ng nabanggit, ang ibig sabihin niyan ay talagang...MATANDA KA NA, hehehehehe! Pero, laging punababata ng TUWA at SIGLA ng nakaraan at nagdudulot sa ating isip ng KAPAYAPAAN at KAPANATAGAN ng kalooban.

At bukas makalawa, ang kasalukuyan naman nating ito ang ating sisinupin, lilingunin at ngingitian na tatatak sa ating mga labi hanggang sa huling sandali ng ating paghimlay.

Monday, April 14, 2008

11th NATIONAL MIGRANT'S SUNDAY

Today is the 11th National Migrants' Sunday. I didn't know that till I attended mass in St. Christopher's Church at Zhong San Road, Taipei City (Taiwan), where a multitude of Filipino migrant workers regularly gather every Sunday.

Right now, I'm in my sister's house here in Taipei City for a 4-day mid-autumn festival break when Chinese people eat a lot of "youzi" or pomelo (suha baga sa atin) and "yuebing" or mooncake (sa atin nama'y hopia). In Hualien City, I was surprised to meet a big number of Filipino migrant workers who regularly gather Every Sunday in St. Paul's Catholic Church. But I was even more surprised to brush elbows with multitudes of Filipino migrant workers in St. Christopher's Church in Taipei City. In the vicinity, there are lots of Filipino shops selling Filipino goods, products, and food. Literally, the place has become a Sunday rendezvous for our kababayan migrant workers in Taipei. I attended the Tagalog mass at 12:00pm and since it was the 11th National Migrants' Sunday, the priests talked about the plight of the Filipino migrant workers in Taipei . He passionately counselled the people apropos the in justices and violations done against them by their employers and brokers, and about their emotional and psychological problems caused by homesickness and depression.

Honestly, I could not relate and connect to the homily of the priest. I felt so alienated from the migrants' predicament and estranged from their situations. I felt like a Filipino among Filipinos having a starkly different face in Taipei. And while I'm being generously treated as guest by my host country being a scholar of Taiwan government, the Filipino contract workers here are treated as no more than servants whose everyday existence is at the mercy of their masters.

My sister has been working here in Taipei for almost five years now as an information officer for an international agricultural research organization. She herself has been in the same predicament as I'm right now with regards to our fellow Filipino migrant workers here. In our discussions in search for the root cause of the Filipino overseas contract worker phenomena, every inch of the problem seems to boil down to the most simple and obvious reason.

Our political leaders in the Philippines have not been doing their jobs in securing and safeguarding the welfare of the majority of our people. These are the vulnerable people---those who need guidance and direction from leaders; those who depend on thinkers and intellectuals for the answers to their queries; those who are born to follow and not to make decisions. A society sprang from an band of followers and a leader while a great nation sprang from a society of conscientious leaders and obedient followers. The rise or fall of a nation can always be attributed or traced to the strenght or weakness of its leaders.

Take Taiwan for example. It is a small country, not even a full-pledged nation and always at the brink of being engulfed by its giant adversary, the Big China. It is precisely this constant and imminent danger against their sovereignty that makes Taiwan's leaders so tough and principled that they even literally fistfight in their parliament to get things done for the betterment of the Taiwanese people who in return follow their leaders through and through.

Well, the Filipino people are good followers too! Just see what is happening to our country right now---we are messing it up because we have nothing back home but rotten leaders to show our way...down.

I always follow the news in the Philippines. Nothing is new. The senate is again investigating the executive branch who is again accused of grave corruptions and anomalies They are talking the same language over and over and over again back home. When will they ever learn to really talk and speak up for the people?

And when will they ever learn to lead?!

(Taipei City, Taiwan ROC, September 24, 2007, 12:16am)

Saturday, April 12, 2008

WHY ARE FILIPINOS HAPPY?


"We are happy because of our unique ethnic and historical cocktail that is Filipino culture. As Malay, our culture has warm, sensual, and mystical flavor mixed with Catholicism and fiesta spirit of the Spanish conquistadores to which is added a dash of western taste from the American colonizers. Thus, Filipino culture is open, extended, and inclusive which is the exact opposite of the individualistic and exclusive culture of the West. Filipino culture is also the opposite of certain collectivistic cultures, like the Chinese society, that value hierarchy, honor, and pride."

"We are happy because our culture is based on the notion of 'kapwa' or shared-being. We don't believe that our own existence is separable from that of the people around us. Everything from our joy and pain, to a grand feast and a simple snack, and even to a joke, is there to be shared. The strongest social urge of the Filipino is to connect, to relate and to become one with the people. As a result, there is much less loneliness among us."

We are happy because we love our family and we value so much our ties with our family members. We can easily find comfort and solace just being with our family members and it gives us joy and gladness to remember and talk about our parents, siblings, children, and spouse. We can be migrant workers even in the most cruel part of the world and taking the most difficult job just to support and sustain our loved ones back home. We live the life of self-giving and sacrifice, the very essence of love, just for our family---and it makes us really happy.

And most importantly, we are happy because we are deeply religious and innately spiritual people. In all countries of the world, Filipinos can be found in the church. The church is our meeting place, our rendezvous, our refuge. We have a very intimate approach to our faith. Simply speaking...FILIPINOS LOVE GOD.

Friday, April 11, 2008

Ang NOLI ME TANGERE


Ang nobelang Noli Me Tangere o "Huwag Mo Akong Salangin" ay sinulat ni Dr. Jose P. Rizal mula Disyembre 1884 sa Madrid, Espanya hanggang mapalimbag ito noong Marso 29, 1887 sa Berlin, Alemanya. Inihahandog ni Dr. Rizal ang nobela sa kanyang Inang-Bayan.

Sa nobela, itinatambad o ipinakikita ni Dr. Rizal ang mga sakit o kanser ng lipunan na bumubulok sa sambayanang Pilipino. Tinatalakay at inilalarawan ni Dr. Rizal sa nobela ang mga suliraning sosyo-kultural o ang mga kahinaan at kapintasan ng lipunang Pilipino noong huling bahagi ng ika-18 siglo gaya ng mga sumusunod:

1. kamangmangan
2. katamaran
3. pagwawalang-bahala
4. pagkalulong sa masamang bisyo kahit sa gitna ng kahirapan
5. paglulustay ng pera sa walang-kabuluhang pagsasaya
6. nakaaalipustang pagyuko sa karuwagan at pagpapahintulot na maapi
7. paniniwala sa mga pamahiin at pagkakaroon ng huwad na pananampalataya
8. mababang pagtingin sa sarili at mataas na pagtingin sa banyaga o isipang kolonyal

Bilang isang tagapagreporma ng lipunan, ang ipinakikitang solusyon ni Dr. Rizal sa mga suliraning sosyo-kultural na ito ay ang pag-angat sa antas ng karunungan ng mga Pilipino at pagtatamo ng tunay na edukasyon. Mahihiwatigan ito sa layunin ni Crisostomo Ibarra, ang pangunahing tauhan, na makapagpatayo ng isang paaralan para sa mga kabataang Pilipino.

Kinakatawan ng iba't ibang tauhan ang maraming katotohanan hinggil sa lipunang Pilipino. Kinakatawan nina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Pilosopong Tasyo at Elias ang mga katangian at kaisipang makapagbibigay-lunas sa mga suliranin ng bayan. Kinakatawan naman nina Padre Damaso at Padre Salvi ang mga puwersa ng simbahang Katoliko na nagpapanatili at nagpapasidhi sa mga sakit ng lipunan. Kinakatawan naman ni Tinyente Guevarra, ng Alperes at ng Kapitan Heneral ang pamahalaang sibil-militar na mistulang inutil at sahol sa kapangyarihan upang makapagpatupad ng mga tunay na pagbabago sa lipunan. Kinakatawan nina Kapitan Tiyago, Donya Victorina, Donya Consolacion, Lucas at Pedro ang sari-saring kapintasan at kahinaan ng mga Pilipino. Kinakatawan naman nina Sisa, Crispin, Basilio at Kapitan Pablo ang malungkot at kalunus-lunos na kaapihang dinaranas ng marami sa lipunan.

Trahedya ang katapusan ng nobela. Hindi natuloy ang pagpapatayo ng paaralan; hindi natuloy ang kasal nina nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara; nakulong si Crisostomo sa paratang na pamumuno sa rebelyon ngunit nakatakas sa tulong ni Elias; nabaril si Elias ng mga tumutugis na guwardiya-sibil at namatay sa libingan sa gubat.

Bago namatay si Elias, sinambit niya ang mga katagang ito na nagpapahiwatig sa malungkot na kalagayan ng bayan, "Mamamatay akong hindi nakita ang pagsikat ng araw sa aking bayan. Kayong makakakita ng bukang liwayway, salubungin ninyo ito pero huwag ninyong kalilimutan ang mga namatay sa dilim ng gabi.”

Thursday, April 10, 2008

Ang Pagkakaiba at Pagkakatulad ng NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay para na sa ating mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Gayundin, tanging ang panahon din ang makapaghuhusga kung may silbi ang dalawang aklat na ito sa kasalukuyan nating panahon, kung may papel itong ginagampanan sa pagpapanday ng kamalayan ng mga mag-aaral, at kung may bisa o kapangyarihan ito sa paghubog ng mga pangyayari sa kasalukuyang kasaysayan ng Pilipinas. Tanging panahon na lamang ang makapaghuhusga at makapagsasabi sa tunay na bisa at kapangyarihan ng dalawang aklat na ito.

At habang ang pagtuturo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay itinatadhana at itinatakda ng batas (Batas Republika Blg. 1425 o Rizal Law, June 12, 1956), buong tiyaga at pagpupunyagi ko itong ituturo bilang pagtupad sa aking responsibilidad bilang masunuring guro at bilang pagtupad sa aking tungkulin sa bayan. Sa personal na antas, matibay ang paniniwala ko na mabisang materyal ang dalawang aklat na ito upang mapag-usapan ang mga usaping pangkultura at pangkasaysayan gaya ng nagaganap sa atin ngayon.

Mainam ring mabanggit na hindi lamang para sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere Ngayon, para na ito sa kapakinabangan ng buong mundo! Mula nang mapasama ang Noli Me Tangere sa listahan Penguin Classics, kabilang na ito sa mga kinikilalang kathang klasiko ng mundo. Mababasa na ngayon ang Noli Me Tangere na salin sa wikang Inggles ni Harold Augenbraum (June 27, 2006) ng Penguin Classics na nagsabing, "In more than a century since its appearance, José Rizal's Noli Me Tangere has become widely known as the great novel of the Philippines. A passionate love story set against the ugly political backdrop of repression, torture, and murder, "The Noli," as it is called in the Philippines, was the first major artistic manifestation of Asian resistance to European colonialism, and Rizal became a guiding conscience—and martyr—for the revolution that would subsequently rise up in the Spanish province." May pakiramdam ako na walang kaginsa-ginsa'y ilalabas na rin ng Penguin Classics ang salin ni Harold Augenbraum ng El Filibusterismo.


Gaya ng sinasabi ng marami, para sa akin ay talagang mas angat sa mga katangiang pampanitikan at panlipunan ang Noli Me Tangere kaysa sa El Filibusterismo. Tulad ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo ay may layuning panlipunan. Ang dalawang nobelang ito ay kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino.


Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, ang paghahain ng katotohanan sa El Filibusterismo ay naglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik, at hindi upang mangarap lamang ng pagbabago. Sa Noli ay may pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili ay walang madarama kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting bahagi ng aklat, na bahagi ng bawat karanasan ng mga mahahalagang tauhan ng nobela.


Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ang bumabasa ang tumutupok na damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso ng layuning gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan. Muling nabuhay si Crisostomo Ibarra ng Noli sa katauhan ni Simoun sa Fili hindi upang mabuhay na muli ang kanyang sinasagisag na ideyalismo, ang kanyang magagandang pangarap sa buhay at pag-ibig. Sa kanyang pagkabuhay, namatay ang katauhan ng isang baguntaong matapos mag-aral nang mahabang panahon sa Europa ay nagnasang magpunla ng pagbabago sa bayan, hindi dahil sa pag-ibig sa bayang inaalipin kundi udyok ng mga dahilang pansarili. Ayon nga sa mananalaysay na si Rafael Palma, "Si Crisostomo Ibarra ng Noli ay hindi katulad ni Simoun ng Fili. Si Ibarra ay nagtitiwala, naghihintay at umiibig. Si Simoun ay hindi na napapadaya, hindi nagtitiwala at napopoot. Si Crisostomo Ibarra ay humihiling na pagbabago, lumalapit sa katarungan at sa kabutihan ng pamahalaan. Si Simoun ay hindi humihiling bagkus nagmamalupit, bumubulok, nagpapabangon sa karahasan, sumisira at nagpapakamatay."


Madaling maunawaan kung bakit may malaking agwat ng pagbabago sa pagitan nina Crisostomo Ibarra ng Noli at Simoun ng Fili. Ang kondisyon ng isip ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapaliwanag nito. Maraming malulungkot na karanasan at mapapait na kabiguan ang dinadanas ng ating bayani samantalang sinusulat niya ang El Filibusterismo, at ang mga iyon ay ang mga sumusunod: 1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya; 2) ang pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; 3) ang away nina Dr. Jose Rizal at Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; 4) ang tunggalian sa pagitan nina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng Samahan ng mga Kastila at Pilipino; 5) at ang pinakamatindi, ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong Inggles na si Henry C. Kipping.Sa gitna ng mga ganitong kabiguan, kanino kayang puso ang hindi magkakawindang-windang? Gayunman, natapos pa ring isulat ni Dr. Jose P. Rizal ang El Filibusterismo at maluwalhating naipalimbag.


Ngayon, bakit dapat basahin ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Ano ba ang mapapala natin sa dalawang aklat na ito?


Una, mataas na uri ng panitikan ang dalawang aklat na ito, partikular na ang Noli. Pangalawa, wala nang iba pang nobelang sinulat tungkol sa lipunan at lahing Pilipino na may sinlawak at singlalim na pagtalakay na tulad ng sa Noli at Fili. Pangatlo, magsisilbi itong salamin upang makita natin ang tunay nating mukha bilang mga Pilipino dahil ang kanser noon ng ating lipunan ay kanser pa rin nating mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Napapanahon pa rin ang mga paksa dito, akma sa ating kalagayan at angkop sa ating sitwasyon. Pang-apat, tigib ito ng mga sindi ng pag-ibig sa bayan na magpapalagablab ng ating nahihimbing na damdaming makabayan.
Napakaikli lamang ng sanaysay na ito upang maipalasap at maipanamnam ko sa inyo mga kababayan ko, ang kabuuang tamis at timyas ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Para sa inyo na mga kababayan kong hindi pa nababasa ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, walang panahong maaaksaya sa pagbabasa ninyo ng dalawang akdang ito. Ito ang magpapalubos sa ating pagiging Pilipino. Basahin ninyo ito...kuwento natin ito.